“Spiritual Laziness”
ROMAN GUEVARA
Daily Devotional Reading
“Spiritual Laziness”
Scripture:
Luke 22:39-46
39Jesus went out as usual to the Mount of Olives, and his disciples followed him. 40On reaching the place, he said to them, “Pray that you will not fall into temptation.” 41He withdrew about a stone’s throw beyond them, knelt down and prayed, 42“Father, if you are willing, take this cup from me; yet not my will, but yours be done.” 43An angel from heaven appeared to him and strengthened him. 44And being in anguish, he prayed more earnestly, and his sweat was like drops of blood falling to the ground.[a]
45When he rose from prayer and went back to the disciples, he found them asleep, exhausted from sorrow. 46“Why are you sleeping?” he asked them. “Get up and pray so that you will not fall into temptation.”
What is spiritual laziness?
Eto yung katamaran para sa mga bagay at gawain, na may kinalaman sa ating pananampalataya.
Halimbawa, katamaran sa pagdevotion of Quiet Time.
Many christians are already aware of its importance in our walk with God. Na mahalaga na before you do anything else in the day, you start it muna with spending some moments with God, reading his word, praying, singing or llistening to praise and worship, or even just being quiet in his presence, meditating.
But there are days na isa ito sa una nating kinatatamaran. Gusto pa nating matulog ng mahabahaba. O dinaman kaya nauna na ang pagligo, pag ayus ng sarili at ng iba pang gawain, pagkain ng almusal, hanggang sa mamaya, kailangan kanang umalis. Kailangan kanang pumasok sa iskwela o trabaho.
Wala ng devotion. Wala ng quiet time.
San pa nakikita ang spiritual laziness?
Siyempre sa pag attend ng mga gawain sa church. Lalo na ang Sunday Worship.
Hanggang ngayun, merong mga christians na parang ang bigat bigat ng paa pag linggo. Pag sinabi mong oras na para magsimba, e, pahirapan ang paggising, humihingi na naman ng (5) more minutes. Ang bagal magbihis. Ang tagal magalmusal. Bakit? Sunday Worship kasi. Hindi excited. Walang gana. Kinatatamaran.
Kaya tuloy asahan muna, na katatamaran din niyan ang tithes and offering. Malamang pag offering part na ng program sa Sunday Worship, e tatayo muna yan, at biglang pupunta sa CR. Pansinin mu minsan yan. Bakit ba pag offering time na sa mga churches, e, maraming naiihi?
But spiritual laziness can happen to everyone. Even committed disciples of Christ.
Hindi bat sa kwento natin ngayon mula sa Bibliya, eto si Jesus, nananalangin ng mataimtim, malapit ng arestuhin ng mga taong maghahatol sa kanya at magku-crucify, pero yung mga disciples niya, his most trusted, his most loyal, and apparently, his most committed, were all asleep during his prayer time?
Mga committed disciples na yan ha? Siguro ang equivalent natin ngayon mga may ministry sa church, mga volunteers or full time sa ministry. Tulad ng ushers, bible study teachers, prayer intercessors, singers, musicians, dancers, kitchen people, administrative staff, and yes, even Pastors.
Lahat sila. Lahat tayo. Puwedeng tamaan ng katamaran.
Halimbawa, tinatamad pumunta sa church office kung full time worker na sa church. Katamaran sa pag bisita sa mga miyembro na nangangailangan ng bisita, tulad ng may sakit at nasa hospital. Katamaran sa pag ayus ng mga gamit ng simbahan. Pati na yung simpleng pag patay ng ilaw at tubig kung hindi naman ginagamit. Hindi lang ito katamaran, kundi kawalan ng malasakit sa simbahan, sa ministry, at siyempre sa Lord.
Bakit ka pa nag full time sa ministry kung tatamad tamad kalang sa gawaing simbahan?
Sa gawain ng Panginoon?
Ano yan? Parang trabaho nalang? Cannot be kapatid. Cannot be.
Ngunti kahit hindi full time sa ministry, lumalabas ang ating katamaran, at nakikita ito pag hindi na tayo naghahanda ng nararapat pag meron tayong assignment sa ministry.
Tulad ng mga worship team members, mga singers at musicians. Alam mong tinatamad na pag hindi inaaral in advance at ng mabuti ang mga kanta para sa darating na linggo. Late na nga dumating sa rehearsal, e dun pa ginagawa ang pakikinig at pag aaral ng mga bagong kanta. Hindi tuloy nagagawa ng tama, hindi name-memorize, at siyempre, humahaba needlessly ang practice ng buong worship team. Asahan mo na kinabukasan, hindi parin magiging maayus at swabe ang actual worship service.
Kasi nga?
Tinatamad.
Pati na mga bible study teacher or kahit preacher ng sunday worship. Alam mo tinatamad ka, pag hindi ka na gumagawa ng bagong outline for your message. Humuhugot kanalang ng mga naipon mong lumang outline, babaguhin konti ang title, pero in essence, yun parin. The truth is, wala namang masama. Kaso nga lang, pag nagiging madalas na, bukod sa hindi kana nakagagawa ng mga bagong outline, e, obviously, hindi kana naggo-grow. Kadikit na niyan ang katamaran sa pagbabasa ng mga christian books, at marahil, pati katamaran nadin sa pagbabasa ng Bible itself.
And that is the time na medyo dangerous na.
Yan na ang masama.
At siyempre, makakahalata na rin siguro ang iyong mga churchmates, dahil imposible namang hindi nila mapansin, na paulit ulit kana lang pag bible study, o dinaman kaya pag preaching. Same illustrations. Same stories. Nothing new. Nothing fresh.
Nakakahiya. Nakakawalang gana.
Aasa pa tayo mageevangelize o magwi-witness pa yan ng unbeliever? E kung sa mga believer nga tinatamad na, magkwento pa tungkol ke Jesus at mag aya ng mga tao sa church? This is sad. It’s a sign of spiritual decay. Patungo nayan sa pagba-backslide.
What should we do then?
Sabi nga ni Jesus, “Why are you sleeping?” he asked them. “Get up and pray so that you will not fall into temptation.”
We should wake up from our spiritual slumber.
We should get up. We should RISE UP.
We should pray more. Resist temptation. Pati na ang tukso ng katamaran.
Minsan nasobrahan lang talaga sa tulog. Minsan na overwhelm lang ng mga problema sa buhay. Minsan nahawa lang sa kasama. O dinaman kaya, minsan, me pinagdadaanan lang na phase sa spiritual life.
It happens. It has happened even to the most spiritual of people. It can happen to anyone.
But the important thing is, wag magtagal sa ganyang kalagayan. Don’t give it any minute longer. Wag mung patatagalin na ikaw ay tinatamad sa mga bagay tungkol sa Panginoon.
Magdevotion ka ulit. Magbasa ka ulit ng Bibliya. Magbasa ka ulit ng christian book. Dumalo ka ng mga gawaing magbabalik ng apoy mo para sa pananampalataya. Do something. Get back doing what it is you are called to do in the church, in the ministry, in the kingdom of God. Get back into the action, and let your faith come alive once again.
A PRAYER FOR TODAY
Thank you Lord for your kindness to me. For your love that embraces me all the time. Thank you Lord for your grace and mercy, that never fails to come to my life, specially when i needed them most. And i come today asking you Lord to take away any form of spiritual laziness. Enable me to live each day under the power of God. Fill me with the fresh touch of your Spirit. Empower me with your anointing. Stir me up with the word of God. I desire your presence Lord. Be with me today. Be with my loved ones. Be with us. I pray all these things, in Jesus name, amen.